Blog Posts

Ika-Siyam Na Anibersaryo ng Royale Sa Smart Araneta #BloggersSocialMediaOpinion






Ika-Siyam Na Anibersaryo ng Royale Sa Smart Araneta #BloggersSocialMediaOpinion


Naka-attend na ba kayo ng mga social event or business event na naka-dagdag sa iyong kaalaman? Mas lalo na kung alam mo talaga na ang kumpanyang ito ay makapagbigay ng ginhawa at trabaho sa iyong buong pamilya?

Ang Royale Business Club ay isang company na binuo noong 2016 ng mga taong may kaalaman sa networking or MLM business dito sa Pilipinas. At habang tumatagal sila sa negosyong ito, nag-expand sila globally na nakapagbigay ng extra-kita sa ating mga OFWs sa Dubai at Abu Dhabi sa UAE,Taipe, Singapore, Doha, at London.

Nagtrabaho ako noon sa Dubai at ito ang metropolis city, na dapat sa mga produkto ng Royale. Maraming tatangkilik ng Royale products dito at sigurado maraming distributors ang magkatrabaho dito. Ginagawa ni Chairman Ricardo Castaneda ang lahat na innovation to support the Royale products to the young generation. Lahat na incentives ay open to distributors lalung-lalo na ang Travel abroad.

Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng Royale Business Club ang ika-9th anniversary sa Smart Araneta, Cubao, Quezon City. Buong Pilipinas na connected sa Royale ay umatend dito. Punong-puno ang Araneta!

Sina Maia Salvador at Melai ay nandoon din para pasayahin ang mga tao at management team ng Royale Company. Dumugundong sa loob ng Smart Araneta ng mag-perform ang sikat na EL GAMMA PENUMBRA!




Napakasaya ng event na ito lalung-lalo na ang mga loyal distributors ng Royale at ang mga pamilya nila.

Isa-isang ipinakilala ang mga opisyales na nasa likod o nagpapatakbo ng Royale kabilang na ang mga Executive Committee na sina Raquel Buensuceso, Ariel De Leon, Elmer Magundayao at Art Bonjoc. Sila ang mga masipag at determinadong Royalistas na may malaking kontribusyon sa mga sistema ng Royale. Ipinabatid sa lahat ang kanilang mga naging ambag para mapaunlad ang kumpanya.


Ipinakilala rin sa mga dumalo ng pagdiriwang ng anibersaryo ang mga Board of Directors ng Royale na sina VP Operations and IT Eric Castaneda, VP for Finance Isa Angela Bautista, VP for Marketing Mike Tan, Ambasassador Henrietta De Villa at siyempre pa ang pinagpipitagang founder ng Royale na si Chairman Ricardo Castaneda, na may malaking kontribusyon sa pamamalakad ng marketing at operations ng Royale. Ang Royale lamang sa ngayon ang matatag na MLM business at lalung-lalo na sa darating na panahon.









Inanunsiyo ni Chairman Castaneda na madagdagan na ang package na pagpipilian ng mga miembro ng Royale. Mayroon nang package F, G at H na ikinasaya ng mga taong dumalo sa pagdiriwang. Malakas ang palakpakan sa kasiyahan ng mga distributors.

Malakas na sa global market ang Royale products at ang sunod na bubuksang branch ay sa Nigeria. Maraming lugar ang target market ng Royale at ito ang kanilang gawin sa darating na panahon.







No comments:

Post a Comment

Blogger's Social Media Opinion Designed by Templateism | MyBloggerLab Copyright © 2014

Theme images by richcano. Powered by Blogger.