Blog Posts

Direct Selling Business Etiquette Ang Kailangan ng Alpha Net World (a.k.a. NWorld) #BloggersSocialMediaOpinion





Direct Selling Business Etiquette Ang Kailangan ng Alpha Net World Or NWorld #BloggersSocialMediaOpinion

Ang Alpha Net World ay isang bagong MLM business dito sa Pilipinas na nag-soft launching ngunit walang produkto na ipinakita physically. Dahil ang mga produkto ay hindi pa registered sa BFAD, at lalung-lao na hindi pa-approved nito. Ito ay pagmamay-ari ng former Royale President na si Juluis Nolasco.

Ipina-register sa SEC na Alpha Net World at nagpa-register pa ng isa pang name – Nworld. Bale dalawa ang registered name at ginagamit na ito simultaneously. Pero hindi pa naman totally registered kasi kailangan pa ng BFAD certification para ipipresenta dito.

Ang maling sistema na ginagawa ni Juluis Nolasco at ng kanyang grupo ay tumatanggap ng pay-ins para sa positioning at maka-una na sa ladder of positioning. Ika nga, mas marami kang kikita-in kung ikaw ay nasa itaas at maraming downlines.

Ito ang mga pictures na ipini-presenta ng mga grupo ni Juluis Nolasco upang maka-engganyo ng mga distributors habang wala pa ang registered products. Tama ba ito o gawa-gawa lamang. Ano sa palagay ninyo?



Dahil sa ipinagagawa ng mga ito, ang mga legitimate networking business dito sa Pilipinas ay very disappointed sa pamamaraan na ito ni Juluis Nolasco. Walang business etiquette sa direct selling ang pinagagawa niya na nakakasira sa negosyo.

Ang pagtanggap ng “pay-ins” at mag-release through media ng mga receipts at bank deposits ay isang paglabag sa pamamaraan ng media advertising na kailangan may katotohanan ang isang ads para sa publiko.

Ang isa pang maling ginagawa ng mga nagbigay ng “pay-ins” in advance ay pinapapirma ng waiver para kung ano man ang mangyayari sa mga transactions ay walang karapatan ang distributors na sila ay ihabla sa korte.


Sa ngayon, sige pa rin ang pang-engganyo ng mga leaders ng NWorld o Alpha Net World sa mga distributors na napaniniwala nila. Karapatan nga nila na kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang pera pero kailangan naman nila na maka-siguro kung ito ba’y legit o hindi. Isa pa, ang pinagagawa ninyo ay labag sa direct selling concept at labag din sa business practice ng gobyerno. Susunod lamang tayo sa rules and regulations ng government at walang problema ang anumang business dito sa Pilipinas.

Note: Ang mga photos ay galing sa kani-kanilang teams.







No comments:

Post a Comment

Blogger's Social Media Opinion Designed by Templateism | MyBloggerLab Copyright © 2014

Theme images by richcano. Powered by Blogger.