Blog Posts

Belated Happy Birthday Chairman - You're the Man! #BloggersSocialMediaOpinion





Belated Happy Birthday Chairman - You're the Man! #BloggersSocialMediaOpinion


Kahit medyo late na ay gusto ka pa ring gunitain ang mga masasayang sandali ni Chairman Ricardo Castaneda at ang kanyang Royale Family na maligayang nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Ang mga ngiti ni chairman ay binigyan ko ng kahulugan sa aking puso na hindi ko makakalimutan kailanman. Oo, kahit wala ako doon pero sa video na ito ay natanto ko ang kanyang kalooban sa kanyang Royale Family. Matatandaan natin na ang Royale ay tumutulong sa mga distributors na nagnangailangan ng guide sa kanilang pangarap.

Ang management team sa pangunguna ni chairman ay nagbigay daan sa libo-libong distributors na tuparin ang kanilang minimithi sa buhay. Ang Royale ay talagang nakakatulong sa buhay ng mga taong nagpupursige na makamtan ang ginhawa. Dahil din sa kanilang sakripisyo ay nasusuklian ng magandang simbolo ng pamumuhay. Ito ay sa tulong ng Royale Family na walang sawa sa pagtulong nito.

Ang biyaya ng Diyos ay binibigay sa Royale dahil sa kanilang tamang pamamalakad sa mga direct sellers at ang produkto ay simbolo ng matatag na kumpanya.

Sa mga nangyayari noong birthday ni chairman, naaninag ko ang kanyang puso na naibahagi niya sa Royale Family. Pamilya niya ito at malapit sa kanyang katauhan na dapat niyang alagaan hanggang sa kanyang makakaya. Ganyan ko nakita ang taong matulungin kahit nasa video lamang.

Kahit huli na, binabati kita chairman, “Happy Birthday…more birthdays to come….more blessings to come, happiness and good health.”


Chairman Ricardo S. Castañeda's Birthday Celebration with his Royale Family from Royale Business Club on Vimeo.





No comments:

Post a Comment

Blogger's Social Media Opinion Designed by Templateism | MyBloggerLab Copyright © 2014

Theme images by richcano. Powered by Blogger.